Friday, January 9, 2015

PANITIKANG POPULAR


Komentaryong Panradyo at Dokumentaryong Pantelebisyon 


                                                                         Ang panitikang popular ay may malaking kaugnayan sa kulturang popular na ang mga bagay ay pawang gumagamit ng mga bagong kasangkapan, imahe, diwa, at iba pang kaugnay na paksa, upang maitanghal ang isang uri ng kulturang kakaiba sa dating nakagisnan ng mga Pilipino.
       Ayon sa Encyclopedia, ang paghahatid ng mga impormasyon sa mamamayan sa pamamagitan ng radyo at telebisyon ay maituturing na broadcast media. Mula noon hanggang sa kasalukuyan, hindi maitatangging malaki ang papel na ginagampanan nito sa lipunang ating ginagalawan.
       Ang komentaryong panradyo ayon kay Elena Botkin – Levy, Koordineytor, ZUMIX Radio; ay ang pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na maipahayag ang kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu, o sa isang isyung kanilang napilingtalakayan at pagtuunan ng pansin. Ang pagbibigayopinyon ayon kay Levy ay makatutulong nang malaki upang ang kabataan ay higit na maging epektibong tagapagsalita. Ayon pa rin sa kaniya, ang unang hakbang upang makagawa ng isang mahusay at epektibong komentaryong panradyo ay ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa pagsulat ng isang sanaysay na naglalahad ng opinyon o pananaw.
     
 Narito ang isang bahagi ng pagtatalakayan sa radyo.

KOMENTARYONG PANRADYO KAUGNAY NG FREEDOM OF INFORMATION BILL (FOI)
Announcer: Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DZYX, narito ang inyong  pinagkakatiwalaang mamamahayag sina Roel Magpantay at Macky Francia at ito ang Kaboses Mo.
Roel: Magandang umaga sa inyong lahat!
Macky: Magandang umaga partner!
Roel: Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon yang Freedom of Information Bill na hindi maipasa-pasa sa Senado.
Macky: Oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI ay Freedom Of Income eh malamang nagkukumahog pa ang mga politiko na ipasa iyan kahit pa nakapikit !
Roel: Sinabi mo pa, partner!
Macky: Ano ba talaga yang FOI na ‘yan partner?
Roel: Sang-ayon sa seksyon 6 ng Panukalang batas na ito eh bibigyan ng kalayaan ang publiko na makita at masuri ang mga opisyal na transaksiyon ng mga ahensya ng gobyerno.
Macky: Naku! Delikado naman pala ‘yan! Eh di magdiriwang na ang mga tsismosa at pakialamero sa Pilipinas. Isyu dito, isyu doon na naman yan! Demanda dito, demanda doon!
Roel: Eh ano naman ang masama, partner? Sa ganang akin, hindi ba’t dapat naman talaga na walang itinatago ‘yang mga politikong ‘yan dahil sila ay ibinoto at nagsisilbi sa bayan.
Macky: Sa isang banda kasi partner maaring maging “threat” daw yan sa mahahalagang desisyon ng lahat ng ahensya ng pamahalaan. Masasabi mo bang malaki ang naging bahagi ng kasalukuyang anyo ng radyo bilang midyum ng pagpapalaganap ng panitikang
popular? Ipaliwanag.
Roel: Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga yan dahil magiging mas maingat sila sa pagdedesisyon at matatakot ang mga corrupt na opisyal.
Macky: Eh pano yan partner? Ayon kay Quezon Representative LorenzoTañada III, ‘pag hindi pa naipasa ang FOI bago mag- Pasko eh mukhang tuluyan na itong maibabasura.
Roel: Naku! Naloko na!
Hinalaw at isinulat nina Cyrus Magpantay
at Maricar Francia mula sa:
http://politikangpinoy.wordpress.com/2012/09/

BAGO MAKASULAT NG ISANG DOKUMENTARYONG PANRADYO

NARITO ANG MGA DAPAT TANDAAN

 Magsaliksik ng mga impormasyon

 Huwag kalimutang banggitin ang mga personalidad na binanggit sa
mga detalye upang ipakita ang kredibilidad ng iyong isinulat
 Magkaroon ng malinaw na pagpapasiya sa paksa

  Isa pang mahalagang midyum sa larangan ng broaddcast media at hindi maikakailang bahagi ng buhay ng bawat Pilipino ang telebisyon. Naging bahagi at sinasabing kasama nga sa daily routine ng mga Pilipino ang panonood ng mga palabas sa telebisyon simula sa paggising sa umaga sa mga morning show hanggang sa oras na bago matulog sa mga prime time na mga panoorin kabilang na ang mga teledrama, balita at mga dokumentaryong pantelebisyon. Saglit mang nahinto ang pamamayagpag ng telebisyon noong panahon ng Batas Militar, sumibol naman ang mas matapang na anyo ng balita at talakayan sa mas makabuluhang gampanin ng telebisyon sa mamamayan. Unti-unting ipinakilala ang telebisyon bilang midyum sa paghahatid ng mahahalagang kaganapan sa bawat sulok ng bansa sa pamamagitan ng dokumentaryong pantelebisyon. Dito kinilala ang mga batikang mamamahayag na sina CheChe Lazaro, Abner Mercado, Jessica Soho, Howie Severino, Sandra Aguinaldo, Jay Taruc at Kara David at iba pa.

         Gaya ng pelikula ang mga programang pantelebisyon ay maituturing ding isang uri ng sining na nagsisilbing libangan at gumigising sa isip at damdamin ng isang tao. Ito’y mahalaga at mabisang sangay ng kabatirang panlipunan, pang-espirituwal, pangkultura, pangmoralidad, pang-edukasyon at iba pa. Malaki ang nagagawang impluwensiya nito sa katauhan ng isang nilalang. Ang mga kaisipan, ugali, kabuluhan at pananaw ng isang nilikha ay maaaring maimpluwensiyahan ng pinanonood na mga programa sa telebisyon. Dokumentaryong Pantelebisyon – Mga palabas na naglalayong maghatid ng komprehensibo at estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa isang lipunan.

      Kung mayroon kang kompyuter at konesksyon sa internet, panoorin ang dokumentaryong “PAGPAG FOR SALE” SineTotoo ni Howie Severino na matatagpuan sa youtube. http://www.youtube.com/watch?v=5ERcIh2nJx0&feature=related. Kung wala nama’y basahin mo ang blog para sa isang dokumentaryong pantelebisyon.

“Sa Gitna ng Dilim”
ni MiL Adonis
       Kasalukuyan akong nasa high-school nang una kong mapanood ang maituturing kong isa sa pinakamaimpluwensiyang bagay sa aking buhay. Ang dokumentaryo ni Kara David na “Gamu- gamo sa dilim” ang nagbukas sa mura kong pag-iisip sa kahalagahan ng edukasyon at sa kung paanong dapat ito’y pinahahalagahan. Humanga ako sa dedikasyon ng mga guro at higit sa lahat sa mga kabataan ng mga taga Little Baguio dahil bagama’t kulong sila sa rehas ng kahirapan at bulag sa dilim ng kanilang mga landas ay patuloy silang nagsusumikap, nangangarap at lumalaban upang maging mas maliwanag ang kanilang kinabukasan.
      Dahil sa inspirasyong idinulot sa aking puso ng dokumentaryong ito, nabago ang aking naunang mga pangarap sa buhay.
     Una kong hinangad na maging isang mahusay na inhenyero upang tuparin ang naunsiyaming pangarap ng aking ama para sa kanyang sarili subalit, napalitan ito ng higit na mataas na pangarap, pangarap na makatulong sa ibang tao at maging boses at mata ng mga taong dapat pakinggan at dapat paglaanan ng higit na atensyon.
     Nang tumuntong ako sa kolehiyo, kinuha ko ang kursong hindi inasahan nglahat na aking kukunin. Tangan-tangan ang pangarap at paniniwalang ibinigay sa akin ng dokumentaryong “Gamu-gamo sa dilim”, kinuha ko ang kursong AB Mass Communication.
       Gusto kong sumilip sa lente ng camera, baka sakali, makita ko ang mga bagay na hindi nakikita ng iba. Baka sakali, ang lipunang aking ginagalawan ay higit kong makilala. Nais kong humawak ng panulat, baka sakali, sa mga letrang iguguhit ko sa papel at mga kuwentong aking isusulat ay higit na maunawaan atmakikilala ng mga tao ang kanilang mga sarili gayun din ang mga tao sa kanilang paligid. Gusto ko, dumami ang mga katulad ni Myra, na sa gitna ng kahirapan, sa gitna ng walang kasiguraduhang buhay at sa gitna ng kadiliman ng paligid ay pilit niyang nilampasan ang lahat at naging isang ganap na tanglaw at liwanag.

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG BAGO SINIMULAN ANG PANANALIKSIK 
 UPANG MAKABUO NG DOKUMENTARYONG PANTELEBISYON
1. PAGHAHANDA PARA SA PANAYAM
*Magpaalam sa taong gustong kapanayamin
*Kilalanin ang taong kakapanayamin
*Para sa karagdagang kaalaman i-klik ang kasunod na site
http://www.careerandjobsearch.com/interview_checklist.htm
 Mga Dapat Gawin Bago Magpanayam
 Teknik sa Pakikipanayam
 Bago Magpanayam
2. PAKIKIPANAYAM
*Maging magalang
*Magtanong nang maayos.
*Itanong ang lahat ng ibig malalam kaugnay ng paksa.
*Makinig nang mabuti sa sagot ng kinakapanayam.
http://www.careerandjobsearch.com/interview_checklist.htm
 Teknik sa Pakikipanayam
 Tagumpay sa Pakikipanayam
3. PAGKATAPOS NG PANAYAM
*Magpasalamat.
*Iulat nang maayos ang nakuhang impormasyon sa panayam
http://www.careerandjobsearch.com/post_interview.htm
 Pagkatapos ng Panayam

Ang mga sumusunod na impormasyon ay mula sa: 
http://solingj.wikispaces.com/file/view/Aralin+3.2.pdf
Gabay sa Pagtuturo ng Filipino 8

6 comments: