Friday, January 9, 2015

Aspekto ng Pandiwa


4 na Aspekto ng Pandiwa 

1. Perpektibo- nagsasaad na kilos na naganap na.

Halimbawa: Nagwalis, Naligo, Naglaro.

2. Imperpektibo- nagsasaad ng kilos na naganap at patuloy na nagaganap parin.

Halimbawa: Nagwawalis, Naliligo, Naglalaro.

3. Kontemplatibo- nagsasaad ng kilos na gagawin pa lamang.

Halimbawa: Magwawalis, Maliligo, Maglalaro.

4. Perpektibong Katatapos- nagsasaad ng kilos na hindi pa nagtatagal na nagawa.

Halimbawa: Kauupo, Kalilingon, Kaliligo.
from: http://tl.answers.com/Q/Ano_4_na_aspekto_ng_pandiwa

from: http://saulok.ism-online.org/files/2011/11/ASPEKTO-NG-PANDIWA-EXERCISE.jpg



No comments:

Post a Comment